ASK JM
He knows everything


ADVICE COLUMN #1
Confession of A True Virgin

Ako po ay 15 years old nang magkaroon ng minamahal, nasa high school po kami ngayon at magkasama sa isang paaralan. Dahil sa tagal ng aming relasyon ng aking boyfriends tila nagpapahiwatig ito na manghingi ng isang favor sa akin na hindi ko daw pagsisisihan balang araw. Gusto niya kami mag-sex, pero tila me pumupigil at me mga tanong na sumasagi sa isip ko kaya minsan ay napapahinto ako pag tinatanong niya ang bagay na iyon. Tama po ba sa edad namin ay gawin na namin ang sex? Paano po kung hindi ako pumayag, maghanap kaya siya ng iba?

Ask JM says:
Iha sa edad mong iyan at ngayon ay nasa high school ka na siguro it's time to your na ikaw ang magdesisyon sa bagay na iyan. OO tama siya, masarap iyon at hindi pagsisisihan, pero sa tingin ko, para sa kanya hindi siya magsisisi pero ikaw bata ka pa. Paano kung magbuntis ka ng wala sa oras? Mahirap na at nasa high school pa lang kayo at nasa saya pa kayo ng inyong mga nanay. Kung papalitan ka niya dahil ang hanap lang pala niya ay sex, sige hayaan mo, balang araw magsisisi din siya dahil alam niyang hindi ang katulad mo ang bibigay sa mga bagay na hinhingi niya. Huwag kang malungkot kung hiwalayan ka niya dahil siguradong may lalaking nararapat sa iyo na handang igalang ang pagkababae mo.

 

Ask something by email it to jaytorresmabini@yahoo.com